Sa mga oras na ‘to tulog ka na siguro. Sa mga oras na ‘to baka busy ka dahil pasukan na at maraming dapat gawin. Sa mga oras na ‘to alam kong hindi mo ko iniisip.
May mga bagay na tungkol sa’yo na para sa’kin nananatili paring misteryo.
Gusto ko man sabihin ang mga tanong ko para mawala ang misteryo, asa namang magagawa ko.
Gusto ko mang malaman mo na kahit hindi kita kilala may naisulat na ako para sa’yo.
Maraming oras na ang nasayang sa kakaisip ko sa’yo.
Maraming pagkakataon ang sinubukan kong hindi ka isipin.
Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito, mahirap mag-isip ng tama pagdating sa’yo kasi wala naman akong alam.
Siguro, mananatili ka na lang na isang misteryo sa buhay ko.
“When Love Feels Like Magic, It’s called Destiny. When Destiny Has A Sense of Humor, It’s Called Serendipity.”
Serendipity starring Kate Beckinsale and John Cusack. In general, okay yung movie sa’kin, nakakatuwa na medyo ewan.
Gusto ko yung simula nung movie na by accident they both went for the same pair of gloves tapos nagpunta sila sa isang restaurant named Serendipity. Tapos kung anu-anong pinaggagawa nila dahil sa idea ni Sarah (Beckinsale) about fate at magkikita sila ulit kapag nakuha niya yung 5 dollar bill na may name and number ni Jonathan (Cusack) tapos pagnakuha ni Jonathan yung librong Love in the Time of Cholera na may name and number ni Sarah, tapos yung sa elevator na chenes. ang cute lang nun for me.
Was it really unrealistic? Is there a way that somehow, some way, somewhere that there will be a similar story as this one?
Things do happen for a reason, but sometimes these reasons fuck us all and we can’t really do anything about it. Gusto man nating isisi sa tadhana o sa destiny, minsan desisyon lang din natin kung bakit nangyayari ang mga bagay sa mundo.
i-love-jellybean:
JELLYBEAN’S HELLO TUMBLR GIVEAWAY!!
Jellybean wants to send you back to school in style, so we’re giving away a satchel, a pair of flats and cool sunnies to our Tumblr followers*! Click the “Read More” to learn how!
*Contest is only open to Philippine residents in the following areas: Metro Manila, Baguio, Pampanga, Sta. Rosa, Subic
Read More
Kate
Sagarin na natin ang pagddrama ko. Ito yung unang picture naming tatlo. :))
Sila yung dalawang babaeng pinagkakatiwalaan ko. Malakas kasi trip neto eh, minsan puro joke tapos biglang seryoso.
Magkaiba sila ng binibigay na advices, chenelyn, pang-aasar basta ganun pero pareho kong ate yan, in the literal way.
Si Megan (yung nasa gitna), grade 3 pa lang kilala ko na yan. Marami pang hindi alam yan sa’kin pero, marami din siyang alam sa’kin. Mga kaechosan ko alam niyan, kalokohan ko. Ewan ko lang kung yung mga pagkatago-tago kong kadramahan nalalaman niya rin kahit di ko sabihin, ewan ko dyan. Basta alam niyan sapak, topak, kabaliwan ko anytime. May point na naging insecure ako dyan, ganda kasi eh, pero narealize ko na okay namana na hindi ako kasing ganda niyan, at least tahimik buhay ko. hahaha. Ngayon hindi na ako insevure dyan, kasi parehong magulo buhay namin. Siya rin madalas nahahataw ko pagwala lang, malakas kaming mag-asaran eh. Sobrang iba yung peronalities namin. Pero okay lang kasi labs ko yan. <3
Si Kate naman. I’ve known here from grade 5, kasi classmate ko siya, pero matagal pa bago kami naging close. Hindi ko rin alam kung bakit, basta nung 3rd year saka lang kami naging close siguro kasi kalove triangle ko yan. Haha. Basta, hindi ko naman kasi inexpect na cool si Kate, kasi parang sobrang seryoso sa buhay, tapos pulitiko pa nung high school. Pero good thing na naging cl
Nahihirapan na akong magsulat. Hindi ko alam kung anong meron basta hirap ako ngayon.
Magsisimula ako sa isang istorya pero buburahin ko din. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako makatapos ng isang istorya. Nayayamot ako.
Parang ang dami kong gustong isulat pero hindi ko naman magawa. Ang hirap lang nung ganitong feeling. Nakakainis e. Hindi kasi maganda.
Hirap ako eh. Puta lang. :(
You can either like it or hate it. Either way you have to deal with it.
Bullshit or shit, you can’t like both and you can’t really hate them all together but you still have to deal with it.
Happiness and sadness, once in your life or more than once in your life we all have to deal with it.
Expectations and disappointments, life comes with it, so we really have to deal with it.
Success and failure, either of the two, the latter will happen more often than not but you have to deal with it.
Love and hate, we say love makes the world go round then the bitterness takes over but then again we still deal with it.
There’s more to life than these but sooner or later we still have to deal with it.
Hey, that’s kind of me. After the underground garage craziness, there might be 6 feet under kind of crazy. I don’t even know. :))
-
Friend:
Natatakot ka?
-
Ako:
Kailan ba ako hindi natakot?
Yes. No. Maybe.
Hindi ko actually alam kung bakit ko sinusulat ‘to ngayon eh. Siguro dala ng pagiging senti ko for the past two days.
Yes. No. Maybe.
May mga bagay sa buhay na minsan kahit gusto pa nating ipilit ay hindi talaga pwede, minsan meron din naman yung mga oras na may mangyayari na ayaw mo talaga pero wala na tayong magagawa kasi nangyayari o nangyari na. Meron din yung wala pang kasiguraduhan sa mga bagay na pwedeng mangyari.
Yes. No. Maybe.
Sa mga oras na hindi ka sigurado nandun ka sa Maybe, hindi ka sigurado e. Kailangan pa ng oras para maisip ng mabuti ang dapat pagdesiyunan na bagay. Kahit ano pang pilit ng iba naimpluwensyahan ka sa desisyon mo, ikaw lang talaga ang tanging makakasagot kung ano ba talaga ang gusto mo.
Yes. No. Maybe.
Sa mga oras na buo na ang isip mo, nandun ka sa Yes, buo na pasya mo e. Wala nang makapagbabago ng isip mo. Wala. Desidido ka na eh. Hindi ka na nagdadalawang isip para gawin ang isang hakbang na kahit minsa ay walang kasiguraduhan naiisip mo na lang sa hakbang yun para sa ikabubuti ng buhay mo.
Yes. No. Maybe.
Sa mga oras na hindi talaga pwede, nakakahit na anong pilit mo na magustuhan ang isang bagay, makaramdam ng “something” para sa isang taong wala ka naman talagang ibang nararamdaman, nandun ka sa No. Kasi, wala talagang mangyayari e. Alam mong pagpinilit mo ang sarili mo sa isang bagay na hindi naman mahalaga sa’yo parang niloko mo lang rin yung sarili mo. Kahit ano pa yan, sa pagmamahal, sa pagtupad ng pangarap mong hindi mo naman talaga pangarap, sa pagiging isang tao na hindi naman talaga ikaw.
Yes. No. Maybe.
Tatlong salita na pwedeng baguhinang isip ng mga tao. Pwedeng magbago ang sitwasyon, estado, posisyon, pagtingin sa mga bagay-bagay. Maraming pwedeng ibig-sabihin ang tatlong yan, nasasa atin na lang yun kung mapapanindigan ba natin ang mga salitang bibitawan natin kasunod ng Yes. No. Maybe.
Next